Bagong Ministro Galing INC
ADD Komiks 1 | ADD Komiks 2 | ADD Komiks 3 | Ay Mali!
Eli Soriano | Ang Dating Daan | ADD Hymnario | 101 Kontradiksiyon
Dearest Ang Dating Daan Members,
Ilang gabi na rin akong sumusubaybay sa program ni Brother Eli Soriano na kasama ang bago niyang bet na isa daw dating Ministro ng Iglesia Ni Cristo na si Brother Abner.
Alam ko, maaring ang paglipat ni Brother Abner sa ating samahang Ang Dating Daan ay may malaking maitututlong sa ating gawaing pagpapalaganap. Opo, dahil isa nga siyang dating Ministro ng Iglesia Ni Cristo. Ngayong kasama na natin siya, maaring marami sa mga meyembro ng Iglesia ni Cristo na maymahihina ang pananampalataya ay magkaroon ng tisod sa aral ng Iglesia Ni Cristo at madala natin sa ating samahan.
Pero sino nga ba si Brother Abner?
Gaya po ng aking nalalaman sa aking pagtatanong tanong sa mga lokal na kaniyang nadaanan, isa po itong Ministro na malakas manigarilyo, naglasing, nambabae at ilang beses nang nababasa sa kaniyang tungkulin bilang Ministro ng Iglesia Ni Cristo.
Ang mga katotohanan bang ito ay isa lamang paninira ng mga nakakausap ko, dahil sila hanggang ngayon ay nasa Iglesia Ni Cristo pa?
Well, noong nakaraang Monday ng gabi, malinaw pa sa aking isipan ang narinig ko kay Brother Abner mismo na inamin niyang may daladala siya noon lagi ng baril at nagbebenta pa siya nito. Inamin din niya na nanigarilyo siya at nagiinom o naglalasing noon kahit na sa katotohanang isa siyang Ministro ng Iglesia Ni Cristo. Inamin din niya na may pinatay siyang tao, bagaman sabi niya hindi niya sasabihin kung sino iyon.
Kung gayon, bagaman naturuan siya ng mga aral ng Iglesia Ni Cristo at siya din ang nagtuturo ng mga aral na iyon sa kaniyang nasasakupan, ay patuloy pa rin niyang ginagawa ang mga bagay na labag sa kaniyang itinuturo. At ang bunga ng kaniyang mga paglabag sa mga alituntunin at aral ng Iglesia ni Cristo ay kaniyang pagkababa sa kaniyang tungkulin.
Ilang taon din daw siyang sumusuyo sa pamamahala ng Iglesia para makabalik sa tungkulin, subali't hanggang sa araw ng kaniyang pag-alis sa Iglesia ay hindi na siya nakabalik pa pagkatapos ng ikalawang beses na pagkababa sa tungkulin na ang pinakadahilan ay babae.
Ngayon naman, ay narito na siya sa ating samahan. Or should I say, sa aking dating samahan. Ang sabi niya sa harap ng Camera, na kung paanong siya ay loyal sa Iglesia Ni Cristo ay ganoon din siya ka-loyal sa Ang Dating Daan. Ibig po bang sabihin na kung paano niya tinaraydor ang Iglesia ni Cristo ay ganon din ang gawin niya sa ating samahan? Kung hindi na siya pinagtitiwalaan ng pangasiwaan ng Iglesia Ni Cristo bilang isang Ministro, dito kaya sa Ang Dating Daan ay mapagkakatiwalaan siya? Hindi kaya dahil sa tisod sa pangasiwaan ng Iglesia Ni Cristo at sa pangangailangan ng salapi kaya siya umanib sa Ang Dating Daan?
Naaalala ko ang kaniyang sinabi sa TV noong Lunes na noong isa pa siyang Ministro ng Iglesia Ni Cristo, ay nagawa niyang magnegosyo maging ng kaniyang may bahay upang pantustus sa pangangailangan ng kaniyang pamilya, sa kabila ng tulong na ibinibigay ng Iglesia sa kaniya. At sa aking pagkakaalam, ang ganitong gawain ay mahigpit na ipinagbabawal sa lahat ng ministro ng Iglesia Ni Cristo. At ang mga pag-aamin niyang ito ay isang matibay na katunayan na ang Ministrong ito bagaman ministro ay mahina sa pananamapalataya. Taglay niya ang kaalaman sa doktrina ng Iglesia Ni Cristo subalit mahina ang loob niya sa pagsunod dito. Paano pa kaya ngayong ang taong ito ay nasa Ang Dating Daan na?
Sana magising po tayong lahat sa katotohanan.
Ang Dating Kasapit sa Ang Dating Daan

